PatrolPH

Pagpapatupad ng 'doble plaka' sususpendehin muna: Duterte

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2019 07:34 PM

Watch more on iWantTFC

Sususpendehin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng batas na nag-uutos ng paglagay ng pinalaking mga plaka sa harap at likod ng motorsiklo.

Inihayag ito ni Duterte sa harap ng libo-libong motorcycle rider noong gabi ng Sabado sa Iloilo City.

"I will try to convince the LTO (Land Transportation Office) to maybe hang onto it, i-suspend ko lang muna," ani Duterte.

Ito ay matapos makipag-usap ni Duterte kina Sen. Joseph Victor "JV" Ejercito at Butch Chase na lider ng isang grupo ng riders.

Plano ng pangulo na kausapin ang may akda ng batas na si Sen. Richard Gordon.

Ipapanukala umano niya na dagdagan na lang ng one-fourth ng kasalukuyang size ang laki ng plaka sa likod ng motorsiklo at ibaba rin ng multa sa mga lalabag sa batas.

Nilagdaan ni Duterte noong nakaraang buwan ang Republic Act No. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act na layong masawata ang mga krimeng ginagawa ng mga nakamotorsiklong salarin sa pamamagitan ng paggamit ng mas malaking mga plaka.

Magkakaroon ng konsultasyon sa pagitan ng LTO at riders sa Abril 12.

Umani naman ng papuri mula sa grupo ng motorcycle riders ang balak ni Duterte.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.