66 atleta naospital dahil sa umano'y food poisoning sa Ormoc

Geron Ponferrada, ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2019 10:12 AM | Updated as of Apr 07 2019 03:53 PM

ORMOC, Leyte--Isinugod ang 66 na atletang kalahok sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet sa bayan na ito, Sabado, dahil sa hinihinalang food poisoning. 

Mula sa Biliran school division ang 66 na atletang nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka. 
 
Nakalabas na ng ospital ang 55 na manlalaro ngayong Linggo ng umaga habang patuloy na ginagamot ang 11 iba pa, ayon sa Department of Health. 

Hindi pa anila matiyak kung ano ang pagkaing ikinasakit ng tiyan ng mga manlalaro. 

Magsisimula pa lang ang 6-araw na EVRAA Meet 2019 ngayong Linggo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.