Babae patay sa pamamaril ng live-in partner sa Cebu

Annie Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2018 06:08 PM | Updated as of Jan 20 2019 04:16 PM

Patay ang isang babae matapos barilin ng live-in partner sa araw ng recognition ceremony ng mga anak nito sa bayan ng Barili, Cebu Biyernes.

Ayon kay PO3 Gilbert Encabo, pumasok ang suspek sa barangay gym kung saan ginaganap ang recognition program at binaril sa ulo ang biktima gamit ang isang kalibre-.38 na pistol.

Lumabas sa barangay gym ang suspek at agad hinarang ng mga miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pagseselos umano ang pangunahing motibo sa krimen.

Ayon sa ama ng biktima, 2 taon na umanong hiwalay ang mag-live-in partner.

Pinipilit umano ng suspek na balikan siya ng biktima ngunit hindi siya pumayag.

Ang 3 anak ng biktima ay mananatili sa pangagalaga ng kanilang lolo at lola.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Barili Police ang suspek na sumailalim sa parrafin test at mahaharap sa kasong murder.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.