Mga Lumad, magsasaka hinarang ng mga pulis sa Camp Aguinaldo

Henry Atuelan, DZMM

Posted at Apr 07 2017 03:10 PM

Hindi pinayagan ng mga pulis na makalapit sa gate ng Camp Aguinaldo ang mga nagpo-protestang Lumad at magsasaka.

Nangalampag ang grupo sa punong himpilan ng militar sa Quezon City upang kondenahin ang umano'y human rights violation ng militar.

Hiling din nilang itigil ang umano'y aerial bombing sa pamayanan ng mga Lumad, ibaba ang 'all-out war' at alisin ang mga sundalong nasa kanilang komunidad.

Nasa sandaang pulis ang humarang sa harapan ng grupo at nagkaroon ng tulukan sa pagitan ng dalawang koponan nang tangka sanang makalapit sa gate ng kampo ng mga rallyista.

Bandang 10:30 ng umaga nang mag umpisa ang kilos protesta sa harapan ng camp aguinaldo sa edsa.

Mag a alas dose naman nang matapos ang programa at pumorma na susugod sa gate ng Camp Aguinaldo pero naudlot ang tangka nang harangan sila ng mga pulis.

Matapos ang tulakan at manaig ang pwersa ng mga pulis, nag-pulasan na ang mga nagki-kilos protesta.