Larawan mula kay Danny Ordonez
Nakakaranas ngayong Huwebes ng masikip at mabagal na daloy trapiko ang southbound lane ng kahabaan ng Maharlika highway Lungsod sa Lucena City at sa bayan ng Pagbilao, sa Quezon.
Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways - Quezon 4th and 2nd Engineering District, umaabot na sa Lucena Diversion Road ang build-up ng trapiko mula sa bayan ng Pagbilao.
Nagsimulang dumagsa ang mga motorista na patungo sa Southern Quezon at Bicol region mula pa nitong Huwebes ng madaling araw.
Isa sa mga sanhi ng halos hindi na umuusad na daloy pagsisikip ng trapiko ay ang ginagawang road blocking sa ilang bahagi ng highway sa Pagbilao kung saan iisang linya lamang ang nagagamit ng mga pauwi sa probinsya at pabalik sa Metro Manila.
Ganoon din ang pagka-counterflow ng maraming sasakyan na nagdulot ng pagbubuho buhol ng trapiko.
Inaasahang hanggang gabi mananatili ang mabagal na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar. - Ulat ni Ronilo Dagos
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.