Patay ang isang pasahero ng van na bumaligtad at sumalpok sa isang bus sa Ilocos Norte. Pitong iba pa ang sugatan. Larawan mula sa Bangui police
MANILA — Patay ang isang bakasyonista habang sugatan ang 7 niyang kamag-anak matapos bumaligtad ang kanilang sinasakyang van at bumangga sa isang bus sa Bangui, Ilocos Norte nitong Huwebes Santo ng umaga.
Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng van kaya bumaliktad sa kurbadang bahagi ng national highway sa Barangay Baruyen at bumangga sa kasalubong na bus.
Malaki anila ang posibilidad na nahulog sa bangin ang van kung hindi ito sumalpok sa bus.
Dead on arrival sa ospital ang 45-anyos na sakay ng van. Nagpapagaling naman sa ospital ang 19-anyos na driver nito at 6 pang kamag-anak, kabilang ang 2 teenager.
Hindi naman hindi nasaktan ang driver ng bus at mga pasahero nito.
Ayon sa pulisya, taga-Makati ang mga biktima at papunta sana sa bayan ng Pagudpud para magbakasyon ngayong Semana Santa.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.