Kuha ni Andrea Taguines, ABS-CBN News
Ininda ng mga motorista ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA-Ortigas flyover ngayong Huwebes Santo ng umaga dahil sa pansamantalang pagsasara ng 3 southbound lane.
Isasailalim sa rehabilitasyon ang 3 lane hanggang Abril 10, 11:59 ng gabi.
Ayon sa Department of Public Works and Highways, sinasamantala nila ang panahon na kakaunti ang mga motoristang bumabagtas sa lugar ngayong Semana Santa.
Bahagi ito ng taunang preventive road maintenance program ng DPWH-Metro Manila para maiwasan ang mga aksidente.
Ngunit binanggit ng ahensya na madadaanan ang northbound na bahagi ng flyover.
Pinapayuhan din nito ang mga motorista na pansamantalang gumamit ng iba pang mga alternatibong ruta.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.