PatrolPH

Lalaking nang-aapi umano ng katrabaho binaril sa Abra

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2022 05:03 AM

Sugatan ang isang lalaki matapos siyang barilin ng kaniyang binu-bully umanong katrabaho, sa bayan ng Bangued, Abra, Linggo ng gabi. 

Ayon sa chief investigator ng Bangued Police na si Police Senior Master Sergeant Querubin Pariñas, laging inaapi umano ng biktima ang 16-anyos na suspek kaya't napuno na ito. 

Nang magkaroon ng pagkakataon ang suspek ay binaril na niya umano ang biktima sa Barangay Lipcan.

Agad tumakas ang suspek pero nahuli rin siya sa isang manhunt operation. Nakuha sa kaniya ang baril na kaniyang ginamit.

Sinampahan na ng kasong frustrated murder at paglabag sa election gun ban ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng DSWD. – Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.