PatrolPH

P3 milyong halaga ng ecstacy at kush nasabat sa Pasay City

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2021 03:56 PM

MAYNILA — Nai-turnover na nitong Martes ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nasabat nitong parcel na naglalaman ng mga ilegal na droga na ipinuslit sa bansa kamakailan.

Una nilang nadiskubre sa isang warehouse sa Pasay City ang nasa 1,681 tableta ng ecstasy na itinago pa sa isang microwave. Galing pa umano sa Netherlands ang mga droga na nagkakahalaga ng P2.857 milyon.

Samantala, inilagay naman sa kahon ng laruan ang 133 gramo ng high grade marijuana o kush mula sa Amerika na tinatayang nagkakahalaga ng P159,600.

Sumatutal, umabot sa P3 milyon ang halaga ng 2 parcel ng droga.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng BOC na ipadadala sana ang nasabat na ecstacy sa isang taga-Quezon City habang naka-consign naman ang kush sa isang taga-Pasay City. 

Patuloy na tinutugis ang mga dawit sa pagpupuslit ng droga. 


—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.