PatrolPH

Bilang ng mga bangkay na pinoproseso sa crematorium ng Pasay City dumoble

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2021 03:47 PM | Updated as of Apr 09 2021 10:10 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA— Puno na ng mga bangkay na ike-cremate sa Pasay City Public Cemetery and Cremation nitong Martes kasabay ng pagdami ng nasasawi sa COVID-19. 

Ayon kay Laura Leonen, officer-in-charge ng pasilidad, mula nang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Pasay City ay lumaki din ang bilang ng mga cadaver na ipinapa-cremate.

Kahit umano hindi taga-Pasay ay tinatanggap nila. 

Dati daw, 16 cadavers lang ang kanilang pinoproseso kada araw pero mula noong ikalawa hanggang ikaapat na linggo ng Marso ay umabot sila sa 30 cadavers. 

Ayon kay Leonen, hindi naman lahat ng pinapa-cremate ay namatay dahil sa COVID-19.

Dahil sa dami ng cremation, nag-request na sila sa city government ng panibagong makina dahil ang 2 equipment na ginagamit nila ay luma na rin.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 12,101 ang naging COVID-19 cases sa Pasay City, at 754 dito ang aktibo. 

Umabot naman sa 302 ang namatay.

—Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News 

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.