PatrolPH

5 arestado sa tupada sa Camarines Norte

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2021 02:41 PM

5 arestado sa tupada sa Camarines Norte 1
Limang lalaki ang nahuli dahil sa pagtutupada o ilegal na sabong sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Retrato mula sa Camarines Norte Provincial Police Office

Sa kulungan ang bagsak ang 5 lalaki matapos mahuling nagtutupada sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte, sabi ng pulisya.

Ayon sa mga pulis, nabisto nila noong Lunes ang pagsasabong sa Barangay Luklukan Sur matapos makatanggap ng sumbong mula sa concerned citizen.

Nakumpiska sa mga suspek ang 3 panabong na manok, tari at kanilang pusta na nasa P300.

Nakasuhan na ang mga dinakip ng paglabag sa Presidential Decree No. 449 o Cockfighting Law.

Ayon sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, pinapayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine, tulad ng Camarines Norte, ang operasyon ng mga sabungan pero limitado sa online o e-sabong na lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Ipinagbabawal ang mga tupada dahil labag ito sa pagbabawal sa mass gathering, na isang hakbang upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

— Ulat ni Jonathan Magistrado

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.