P2.1-M shabu nasabat sa buy-bust sa Pampanga

John Mark Guda, ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2019 06:24 PM

Nasabat ang hinihinalang droga na nagkakahalagang P2.1 milyon sa buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga.
 
Nagpositibo ang suspek sa droga nang ibenta ang P1,000 hinihinalang shabu sa isang asset sa Barangay Dau.

Pero nang kapkapan, natagpuan pa ang isang malaking sachet, 10 sachet, at 2 pang maliit na pakete, na aabot sa P2.1 milyon ang halaga.

Ayon kay Mabalacat police chief Col. Maharlika Oscar Villasis, dati nang naaresto ang suspek noong 2011 at pinakawalan noong 2018.

"Ang modus operandi niya is binabyahe nya, siya mismo nagpi-pick up sa Quiapo, allegedly. 2011 nahuli na ito then na-relase ng 2018 last year," ani Villasis.

Tubong-Marawi raw ang suspek na naninirahan sa Angeles City kung saan siya rin umanong nagsu-suplay ng iligal na droga.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.