PatrolPH

Lalaki natagpuang patay sa Intramuros

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2019 01:49 AM

MAYNILA - Natagpuang patay ang isang lalaki sa loob ng inuupahang kwarto sa Basco Street, Intramuros nitong Biyernes.

Kwento ng mga kapitbahay, nakaamoy sila ng masangsang na amoy na natunton sa inuupahang kwarto ni Raul Gomez, 51.

Napilitan silang sirain ang pinto at tumambad ang bangkay.

Huli siyang nakita noong gabi ng Martes na nakipag-inuman sa kapitbahay.

Nasa abroad ang misis nito habang nasa Bacolod ang nag-iisa nilang anak.

Nagpa-partime daw siyang waiter sa isang restaurant malapit sa kaniyang inuupahang kwarto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.