PatrolPH

Palasyo: NFA council, hindi bubuwagin

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2018 11:56 PM | Updated as of Apr 07 2018 05:03 PM

Watch more on iWant or iWantTFC

Nilinaw ng Palasyo na hindi bubuwagin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority (NFA) council.

Sa opisyal na pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Biyernes, ililipat lamang ang NFA at NFA council sa pamamahala ng Office of the President.

Gusto rin umano ng pangulo na ilipat ang kapangyarihan na mag-apruba sa pag-angkat ng bigas sa Department of Agriculture (DA).

Taliwas ito sa pahayag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa DZMM.

"Binuwag na niya ang NFA council at ililipat niya ang NFA at iba pang ahensiya na may kaugnayan sa agrikultura na naalis sa DA ay babalik sa DA," sabi ng kalihim.

Kasama ang ilang grupo ng rice traders, retailers at millers sa pagpupulong ni Duterte at NFA Council sa Malacañang Huwebes ng gabi. 

Nangako ang mga negosyante na magbebenta ng bigas sa mas mababang presyo habang wala pang stock ng NFA rice sa mga pamilihan. 

--Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.