P1.5-milyon halaga ng ‘shabu’, nasamsam

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2018 09:17 AM

Kalaboso ang dalawa katao, kabilang ang isang anim na buwang buntis, sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Basak, Mandaue City, kung saan P1.5-milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa kanila. Donna Lavares, ABS-CBN News

MANDAUE CITY – Dalawa katao, kabilang ang isang 6 na buwang buntis, ang naaresto ng awtoridad sa isang drug-bust operation, Huwebes ng gabi sa Barangay Basak.

Ayon sa pulisya, ang buntis ay isa sa malaking supplier ng droga sa mga lungsod ng Mandaue at Cebu. Kasamang naaresto rin ang isang lalaki na sinasabing runner nito.

Sa pamamagitan ng P500,000 na buy-bust money, ikinasa ang operasyon na nagresulta rin sa pagkakakumpiska sa 125 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Inamin naman ng mga suspek na nagbebenta sila ng droga. Pero hindi nila sinabi kung sino at saan galing ang kanilang source.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad sa mga kasabwat ng dalawang arestadong suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.