Inmate na inutusan ng pulis na magtapon ng basura, pumuga sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2018 01:24 PM

Photo courtesy: Villaba PNP

VILLABA, Leyte - Nakatakas ang isang bilanggo mula sa Municipal Police Station dito sa bayan matapos utusan ng isang pulis na magtapon ng basura.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakatakas ang inmate na si Domingo Pable alias "Pikdot" nang umakyat siya sa pader ng police station matapos itapon ang basura na ibinigay ng isang jail guard.

Si Pable ay nakakulong dahil sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Tinutugis na ng mga pulis ang nakatakas na inmate.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.