2 patay sa forest fire sa Bukidnon

PJ dela Pena, ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2018 09:00 PM | Updated as of Jan 18 2019 04:18 PM

Dalawa ang patay matapos ma-trap sa isang forest fire sa Barangay Nuebe, Malaybalay, Bukidnon nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Wilfredo Batico, emergency laborer ng Bukidnon Environment and Natural Resources Office, at Alex Banilar, fire volunteer.

Sa susunod na linggo pa sana magsisimulang magtrabaho bilang emergency laborer si Baneliar pero nag-volunteer dahil sa forest fire.

Nagsagawa ng fire line sa isang bahagi ng bundok ang dalawa nang ma-trap sa sunog. 

Nag-iba umano ang direksiyon ng ihip ng hangin at hindi na nakalabas ang dalawa. Sunog ang katawan ng dalawa nang marekober. 

Inaalam pa ng fire investigators kung ano ang pinagmulan ng sunog. 

Minsang nangyayari ang forest fire sa lugar dahil sa init ng panahon.

Idineklarang kontrolado ang sunog Biyernes ng hapon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.