10 sasakyan, nagkarambola sa C5; trapik, sumikip

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2017 08:57 AM | Updated as of Apr 06 2017 10:42 AM

MANILA - Nagsikip ang trapiko sa C5 Road-Lanuza Avenue sa Pasig matapos ang karambola ng 10 sasakyan Huwebes, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Itinuturong sanhi ng aksidente ang tumagas na langis sa southbound lane, bago sumapit ng C5-Lanuza intersection, sabi ni MMDA radio operator JC Sto. Domingo.

"Ang dahilan po nito ay oil spill. Nagkasunod-sunod po sila, nagkarambola po sila doon. Nag-cause po tayo ng heavy traffic sa C5-Lanuza southbound po," ani Sto. Doming sa panayam ng DZMM.

Inaalam pa ng MMDA ang pinagmulan ng oil spill.

Naitabi na ang mga naaksidenteng sasakyan.

Patuloy namang nilalagyan ng kusot ng MMDA ang natapong langis upang maiwasan ang panibagong aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.