PatrolPH

Pulis patay, 5 sugatan sa ambush sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2022 05:11 AM

Patay ang isang pulis matapos tambangan umano ng mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa bayan ng Las Navas, Northern Samar, Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Police Regional Office 8, improvised explosive device (IEDs) ang ginamit ng mga rebelde sa pananambang sa Barangay San Miguel.

Bukod sa nasawing pulis, sugatin din ang dalawa pa niyang kasamang pulis at tatlong sundalo.

Ang nasawing pulis – gayundin ang mga sugatang kasamahan nito – ay bahagi umano ng community support program team ng 1st Police Mobile Force Company sa Catubig, Northern Samar.

Bahagi naman ng community support program team ng Philippine Army 20th Infantry Battalion ang sugatang mga sundalo.

Agad dinala sa pagamutan ang mga nasugatan habang patuloy ang ginagawang hot pursuit operations ng mga awtoridad. – Ulat ni Sharon Evite Carangue

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.