PatrolPH

LRT-2 magsasagawa ng maintenance mula Holy Wednesday hanggang Easter Sunday

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2022 10:43 AM

MAYNILA — Planuhin ng maaga ang inyong biyahe lalo na sa darating na Holy Week dahil tulad ng MRT-3, magsasagawa rin ng maintenance shutdown ang LRT-2 simula Holy Wednesday hanggang Easter Sunday.

Samantala, nag-alok na libreng sakay ang LRT-2 sa lahat ng mga Pilipinong beterano simula ngayong Martes hanggang ika-11 ng Abril bilang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week. 

Ang oras ng libreng sakay ay mula alas 7 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga, at mula alas 5 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.

Maaari niyo lamang ipakita ang inyong Philippine Veteran's affair office ID upang makapagavail ng libreng sakay. —Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.