PatrolPH

77 preso sa Bataan provincial jail nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2021 09:52 PM

Umabot sa 81 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Balanga City, kung saan 77 ay mga bilanggo ng Bataan Provincial Jail.

Base sa ulat ng Balanga City Health Office, dinala na sa loob ng isang pasilidad sa Barangay Tenejero ang mga bilanggo.

Sa kabuuan, 786 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Balanga, kung saan 152 ang active cases o hindi pa gumagaling sa sakit.

Sa buong Bataan, nasa 461 ang kasalukuyang active cases ng COVID-19, kung saan 107 ang namatay.

-- Ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.