PatrolPH

47 timbog matapos maligo sa ilog sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2021 10:34 PM

47 timbog matapos maligo sa ilog sa Davao City 1
Kuha ng Calinan PNP

DAVAO CITY — Nahuli ng mga awtoridad ang nasa 47 indibidwal na naaktuhang naliligo sa ilog sa Brgy. Cawayan at Brgy. Calinan sa Davao City nitong Linggo ng hapon.

Nasa 26 sa mga nahuli ang menor de edad na dinala lang umano ng kanilang mga magulang. Magkakaibang grupo ang mga nahuli at nagtipon dahil sa Easter Sunday.

Ayon kay Police Maj. Jake Goles, hepe ng Calinan Police, nagsagawa sila ng checkpoint papunta sa ilog para hindi makapasok ang mga hindi residente ng lugar pero dumaan sa ibang kalye ang mga nahuli.

Bago pa man ang long holiday break para sa Semana Santa, nagpalabas na ng Executive Order No. 19 ang Davao City LGU na ipapasarado ang lahat ng mga beach at inland resorts sa lungsod para maiwasan ang pagtitipon ng mga grupo alinsunod sa mga safety protocols, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nasabi rin ni Mayor Sara Duterte na may dalawang menor de edad na ang namatay dahil sa pagkalunod sa mga nakaraang linggo kaya ipinagbawal ito.

Hinihingi naman ng mga otoridad ang kooperasyon ng publiko ngayong hindi pa tapos ang pagkalat ng coronavirus disease.--Ulat ni Chrislen Bulosan

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.