PatrolPH

3 bata magkakahiwalay na nalunod sa Biliran, Aklan, Capiz

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2021 06:33 PM | Updated as of Apr 06 2021 10:16 AM

MAYNILA — Patay sa pagkalunod ang 3 bata sa iba't ibang probinsya nitong Linggo.

Watch more on iWantTFC

Isang 9 anyos ang nalunod habang naliligo sa dagat sa Sitio Basud, Barangay Balaquid, Cabucgayan, Biliran, Linggo ng hapon. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, naligo ang biktima kasama ang pinsan at mga kaibigan nito malapit sa seawall.

Habang abala sa pagligo, hindi napansin ang biktima ng kaniyang mga kasamahan, at nakita na lang ito ng ilang residente na lumulutang malapit sa seawall.

Sinubukan pang i-rescue ang biktima at dinala sa Rural Health Unit ng Cabucgayan. Ngunit dineklara itong patay na ng doktor.

Patay rin ang 14 taong gulang na binatilyo nang matagpuan sa ilog ng Brgy. Feliciano sa Balete, Aklan.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, mag-isang naligo sa ilog ang biktima.

Nakita na lamang ng mga residente na palutang-lutang ang kaniyang katawan.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at dinala sa ospital ang biktima, ngunit ideneklara rin itong dead-on-arrival ng doktor.

Samantala, isang 7 taong gulang na bata naman ang nalunod sa swimming pool sa Bgy. Amaga sa Sigma, Capiz.

Sa imbestigasyon, pumunta sa isang inland resort ang magkapamilya upang maligo.

Bandang hapon nang makita ng caretaker ng resort na naliligo sa malalim na bahagi ng swimming pool ang biktima kasama ang kapatid.

Pinagsabihan pa umano ng caretaker ng resort ang magkaptid na sa kiddie pool lang sila puwedeng maligo. Ngunit hindi raw to sinunod.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita na lamang ng nakatatandang kapatid na lumulutang na ang katawan ng biktima.

Kaagad namang rumesponde ang staff ng resort at binigyan ng paunang lunas ang biktima.

Dead-on-arrival na rin ang bata nang madala sa pagamutan. 


—Ulat nina Hernel Tocmo, Rolen Escaniel at Ranulfo Docdocan

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.