Pastor na nanguna sa church service hinuli sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2020 04:08 PM

Retrato mula sa Cagayan de Oro Regulatory Compliance Board

Inaresto nitong umaga ng Linggo ang isang pastor matapos maaktuhang namumuno ng isang church service sa Cagayan de Oro City sa gitna ng pagbabawal sa mga pagtitipon kontra COVID-19.

Sa nakuhang video ng taga-Cagayan de Oro Regulatory Compliance Board (CDO-RCB), na kasama sa operasyon, makikitang marami ang dumalo at hindi nasusunod ang social distancing sa service.

Tinatayang nasa 500 ang dumalo, kabilang ang mga senior citizen na delikado sa sakit, ayon kay RCB member Antonio Resma.

Kinuha rin ang listahan ng mga pangalan ng mga dumalo at aalamin kung may patient under investigation o under monitoring sa kanila.

Ipinagbabawal ang pagdaraos ng mga mass gathering gaya ng church service bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Sasampahan ang pastor ng paglabag sa Republic Act 11332 o Public Health Concern Act. -- Ulat ni Joey Taguba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.