P5.9 milyon na ilegal na troso kumpiskado sa Ozamiz City

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2018 12:54 PM


OZAMIZ CITY — Nasa 29 container van na puno ng troso na nagkakahalaga ng P5.9 milyon ang kinumpiska ng mga awtoridad sa raid sa isang kamalig sa Barangay Catadman-Manabay, Miyerkoles.

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Aabot sa 238,181 board feet ng mga gmelina at mahogany na walang kaukulang permit ang nakuha mula sa mga negosyante na sina Elma Garay at Peromben Bomediano, ayon kay Guilry Cabatuan, opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“May mga shipment na parang pabalik-balik, so I called the attention of the proponent, doon ko nalaman na may mga shipment na parang pinag-duplicate, reproduced ‘yung permit,” ani Cabatuan.

Dadalhin sana sa Maynila ang mga troso mula Cebu, dagdag ni Cabatuan.

Ayon kay Supt. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police, sangkot din umano ang mga suspek sa operasyon ng ilegal na droga sa probinsiya.

“Matagal na nila itong ginagawa. Isa rin sila sa mga protektor ng drugs ni [dating Mayor Reynaldo] Parojinog," ani Espenido, patungkol sa napatay na dating alkalde na sangkot sa droga. 

"‘Yung [legal] shipment nila sa Manila, isasama nila 6 na container vans lahat ilegal,” dagdag ni Espenido.

Naaresto sina Garay at Bomediano sa kasong illegal possession of lumber, ngunit nakapag-piyansa sa halagang P40,000 bawat isa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.