Magnanakaw ng motorsiklo sa Iloilo, arestado

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2018 04:12 PM | Updated as of Jan 15 2019 03:43 PM

Nadakip ng mga pulis ang isang lalaking itinuturong nasa likod ng ilang insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo sa distrito ng Jaro sa Iloilo City.

Naaresto si Rommel Robles, 21, sa bayan ng Estancia.

Si Robles ang itinuturong mastermind sa 3 kaso ng "motornapping" na naitala sa Jaro mula nitong Pebrero hanggang Marso. 

Nakunan din ng CCTV ang pagkuha nito ng isa pang motorsiklo.

Watch more in iWant or TFC.tv

Modus umano ni Robles ang tumambay sa mga parking space. May dala itong universal key at kung maka-tiyempo na umandar ang motorsiklo ay dali-dali nitong tinatangay. 

Na-recover ang ilang parte ng motorsiklo na kanyang binebenta. Napag alaman din na nagbebenta siya ng accessories online gaya ng helmet sa bagsak na presyo na P1,300 para sa 3 piraso.