Inday Sara, nag-ikot sa Davao City sakay ng motorsiklo

Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2018 04:28 AM | Updated as of Jan 14 2019 04:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Nag-ikot sakay ng motorsiklo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa siyudad Huwebes ng hatinggabi.

Aniya, random ang kaniyang ginagawang pag-ikot para mag-monitor sa downtown area.

Sa kaniyang pag-ikot, wala namang nasita na mga pasaway sa kalsada ang mayora.

Nagpaalala rin ito sa mga motorista na ugaliing magsuot ng helmet, lalo na ngayong maulan sa siyudad at madulas ang kalsada.

"Dapat magsuot talaga ng helmet kasi no helmet, no lingap," aniya.

Kasama ng mayora sa pag-ikot ang ilang miyembro ng Presidential Security Group.