12 bahay nasunog sa Misamis Oriental

Maria Cecilia Butardo, ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2018 04:32 PM


BALINGASAG, Misamis Oriental - Nasunog ang 12 bahay sa Purok 3, Barangay Poblacion dito nitong Huwebes ng umaga.

Siyam sa mga bahay ay natupok habang bahagyang nasira naman ang 3 iba pa.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya ng isang Susan Rondina.

Kuwento umano ng 2 residente sa lugar, nakita raw nila na may nag-spark na linya ng kuryente sa pader ng bahay ni Rondina.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil magkakalapit ang mga bahay sa lugar. Nahirapan namang pumasok ang mga bombero.

Wala namang naitalang nasaktan sa insidente na tinatayang aabot sa P400,000 ang danyos.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.