10 arestado sa 'shabu tiyangge' sa QC

ABS-CBN News

Posted at Apr 05 2018 11:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto ang 10 indibidwal matapos salakayin ng Quezon City police ang tinaguriang "shabu tiyangge" sa Barangay Bagong Silang, Quezon City.

Ayon sa pulisya, matagal na silang nakatatanggap ng sumbong hinggil sa umano'y ilegal na operasyon ng mga suspek.

Naabutan ng mga pulis noong operasyon ang walong lalaki na gumagamit ng shabu.

Ang isa naman sa mga suspek ay nahuling itinatapon pa ang ilang droga.

Narekober mula sa mga nahuli ang tinatayang 30 sachet ng shabu na nagkakahalagang P250,000.

Sinampahan na ang mga nahuli ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Iniimbestigahan naman ng pulisya kung sino ang supplier ng droga ng mga nahuling tulak ng shabu.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.