PatrolPH

2 sugatan sa pagsabog ng IED sa Ligao City

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2021 01:11 PM

Sugatan ang 2 sibilyan matapos tamaan ng shrapnel ng improvised explosive device (IED) sa Ligao City, Albay, umaga ng Sabado, sabi ng pulisya.

Ayon sa ulat ng Bicol police, menor de edad ang isa sa mga bikimang tinamaan ng shrapnel sa likod habang nangunguha siya ng prutas sa tabi ng kalsada sa Barangay Allang.

Nagmo-motorsiklo naman ang 39 anyos na isa pang biktima nang tamaan sa kanang balikat at kamay.

Tinatayang nasa 20 metro umano ang layo ng mga biktima sa lugar ng pagsabog.

Kinondena ni Lt. Col. Benjamin Tapnio ng 49th Infantry Battalion ang nangyari.

Ayon kay Tapnio, posibleng ang mga sundalong nagsasagawa ng community support program sa kalapit na barangay ang target ng pagpapasabog.

Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad para mahuli ang mga nasa likod ng pagsabog.

– Ulat ni Karren Canon

FROM THE ARCHIVES:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.