Ilegal na pagawaan ng alcohol at sabon sa Davao City, ni-raid

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2020 03:17 AM

Larawan mula sa NBI SEMRO XI

Ni-raid ng mga awtoridad ang isang factory ng alcohol, disinfectant, hand sanitizer, at sabon sa Juna Subdivision, Davao City nitong Biyernes ng umaga.

Tumambad sa kanila ang maraming galon ng sanitizer, disinfectant,
alcohol, mga sabon at iba pa sa loob ng isang bahay na ginawa nang factory ng mga produkto.

Ayon sa mga awtoridad, ibinebenta ang mga produkto online sa mataas na presyo.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na walang license to operate ang factory ng isang skincare laboratory, wala rin silang mga dokumento na naipakita gaya ng certificate of product notification.

Nilabag din nila ang product labeling alinsunod sa standards ng Food and Drug Administration XI.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Food and Drug Administration Act at ang Bayanihan to Heal as One Act ang dalawang naaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.