8 lalaki kalaboso sa pagsusugal sa Davao City sa gitna ng quarantine

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2020 04:01 AM

Arestado ang 8 lalaki na naaktuhang nagsusugal sa Fatima Village, Barangay 19-B, Davao City nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa National Bureau of Investigation South Eastern Mindanao Regional Office XI, bukod sa illegal gambling, nilabag din ng mga naaresto ang executive order ni Davao City Mayor Sara Duterte na imbes na manatili sa bahay at hindi rin pagsunod sa physical distancing.

"Itong mga nagsusugal aside na illegal gambling, 'di sila nag-o-observe ng quarantine," ani Joel Ayop, spokesperson ng NBI XI.

Narekober ng mga awtoridad ang mga ginamit sa pagsusugal gaya ng mahjong set at mesa, ganundin ang pera.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.