Lalaking umano'y may problema sa pag-ibig, arestado nang magpaputok ng baril

Andoreena Causon, ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2019 07:06 PM | Updated as of Apr 05 2019 02:33 AM

DAVAO CITY - Arestado ang isang lalaki matapos itong magpaputok ng baril Huwebes ng umaga sa Kadayawan Village, Bangkal District sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Christian Bautista, 34 anyos at dating auxiliary police officer ng lungsod.

Ikinagulat ng ama ni Bautista ang nangyari dahil hindi umano nito alam na may baril ang anak.

Sinubukan ng mga pulis na kumbinsihin si Bautista na sumuko pero muli itong nagpaputok ng baril.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng depresyon si Bautista dahil sa kaniyang kalagayan at sinasabing away nila ng kaniyang nobya.

Ayon kay Police Major Ronald Lao, hepe ng Talomo Police, naparalisa si Bautista dahil sa isang insidente ng accidental firing noon.

Haharap sa kasong alarm and scandal at paglabag sa election gun ban si Bautista.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.