PatrolPH

Babala ng DOH: Mga lamok 'mas nangangagat' tuwing tag-init

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2019 07:04 PM

Bukod sa heat stroke at iba pang pangkaraniwang sakit na nakukuha sa labis na init ng temperatura, nagbabala ang Department of Health (DOH) na dapat ding mag-ingat sa paglobo ng kaso ng dengue.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, nag-iiba kasi ang ugali ng mga lamok at mas nagiging agresibo kapag mainit ang panahon.

"Nakikita natin na 'pag merong El Niño, tumataas ang kaso ng dengue. Iyung lamok at virus nag-iiba rin 'yung behavior. Iyung mga virus mas humahaba ang buhay tapos 'yung lamok mas nagiging aggressive at nangangagat na mas madalas kapag ganitong tag-init," sabi ng opisyal.

Mas tumataas pa ang banta nito tuwing summer dahil kapag mainit, madalas daw nag-iimbak ng tubig ang mga Pinoy, na maaaring pamugaran ng mga kiti-kiti.

"Kapag inimbak, talagang safe lang siya na gamitin o inumin within 2 to 3 days," babala ni Domingo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.