Watawat ng Pilipinas, itinaas sa bagong kampo sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2018 10:56 AM

Itinaas ang watawat ng Pilipinas sa bagong kampo ng 93rd Infantry Battalion sa Barangay Aguiting sa Kananga, Leyte. Photo courtesy of Bantay Kapayapaan Infantry Battalion

KANANGA, Leyte – Itinaas sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bagong kampo ng 93rd Infantry Battalion, nitong Lunes sa Barangay Aguiting.

Pinangunahan ni Battalion Commander Lt. Col. Hilarion Palma ang flag-raising ceremony. Sa kaniyang mensahe, binigyan-diin ni Palma ang kalinisan, seguridad sa kanilang kampo at pagsaludo sa mga nakatatandang opisyal ng militar.

Ang 93rd IB ay bagong binuong tropa sa ilalim ng 8th Infantry Division ng Philippine Army.

Binubuo ito ng aabot sa 500 na sundalo na nagtapos pa lang ng kanilang masususing pagsasanay.

Una nang sinabi ni MGen. Raul Farnacio, commanding officer ng 8th ID, na ang nasabing battalion ay binuo upang tumutok sa problema sa insurhensiya sa Leyte at Samar at sa problem sa terorismo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.