Bise alkalde, pinagbabaril sa Ilocos Norte

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2017 09:47 PM | Updated as of Apr 04 2017 10:07 PM

Photo by Kim Lorenzo, ABS-CBN News

DINGRAS - Isinugod sa ospital ang bise-alkalde ng Marcos, Ilocos Norte matapos pagbababarilin ang kanyang sasakyan ng mga hindi pa kilalang salarin Martes ng gabi.

Nadaplisan ng bala ang paa ni Vice-Mayor Jessie Ermitanio.

Ayon sa mga imbestigador, pauwi na si Ermitanio kasama ang 3 iba pa nang tambangan sila sa Barangay Ragas.

Napuruhan ang driver nito, na nakilala sa pangalang Lucky Rumbaoa habang pare-parehong daplis ang tinamo ni Ermitanio at ng 2 pa niyang kasama, na dinala na rin sa ospital.

Inaalam pa ang ginamit na baril at ang motibo ng mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.