Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Blk. 53, Lot 4, Soldiers’ Hills, Brgy. Putatan, Muntinlupa City nitong Sabado.
Iniangat sa unang alarma ang sunog ilang minuto bago mag-alas-9 ng gabi. Pasado alas-10 na ng gabi nang maapula ang apoy.
Wala pang naireport na namatay o nasaktan sa insidente. Iniimbestigahan na rin ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang tinatayang pinsala.
Sunog, Soldiers’ Hills, Brgy. Putatan, Muntinlupa City