CAVITE – Natagpuang nakagapos ngayong Linggo sa loob ng isang sasakyan sa Silang, Cavite ang isang pari na unang naiulat na nawawala nitong Sabado.
Ayon kay Silang police chief Lt. Col. Juan Peñafiel Oruga, Jr., bandang ala-1:30 ng hapon natagpuan sa Barangay Lumil ang pari habang nakatali ang mga kamay nito.
Ang biktima ay parish priest ng isang simbahan sa Rosario, Cavite.
Hindi pa nakakausap ng pulisya ang pari na anila'y nasa “state of shock” at dinala na sa pagamutan.
Nakikipag-ugnayan pa ang Silang police sa mga awtoridad sa Rosario para sa imbestigasyon sa insidente.
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.