PatrolPH

Dating barangay captain sa Camarines Sur patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2022 03:37 PM

Larawan mula kay Mayor Marco Chavez.
Larawan mula kay Mayor Marco Chavez.

Patay sa pamamaril ang isang dating barangay captain ng Catalotoan, San Jose, Camarines Sur na si Jonathan Clidoro nitong nakaraang linggo.

Ang biktima ay security aide rin at isa sa mga political officers ni re-electionist San Jose Mayor Marco Chavez.

Pinagbabaril umano si Clidoro sa kaniyang bahay ng hindi pa nakikilalang salarin nitong Marso 30. Pumanaw siya nitong Biyernes, Abirl 1.

Sa kanyang pahayag sa social media, nanawagan ng hustisya si Chavez.

“Dae kami maontok na makua ang saimong hustisya. Ang pagatake sa saimo sarong malinaw na atake din sa sako, sa samoyang grupo asin sa katrankiluhan kan banwaan nin San Jose,” ani Chavez.

(Hindi kami titigil na makuha ang hustisya para sa'yo. Ang pag-atake sa’yo ay isang malinaw na atake rin sa akin, sa aming grupo at sa kapayapaan ng bayan ng San Jose.)

Naglabas si 2nd Dist. Rep. Lray Villafuerte, na kaalyado ni Chavez, ng P1 million reward money sa sinumang makapagtuturo at makahuhuli sa salarin ng nasabing pamamaril.

Ani Chavez, hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli ang suspek. 

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng salarin.

— Ulat ni Aireen Perol

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.