2 lalaking walang quarantine pass, nahulihan ng shabu sa N. Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2020 06:10 PM

Dalawang lalaki ang timbog matapos sila sitahin na walang quarantine pass at mahulihan ng shabu sa Silay City, Negros Occidental. Kuha ng Silay City PNP

Dalawang lalaki ang timbog matapos silang sitahin na walang quarantine pass at mahulihan ng hinihinalang shabu sa Silay City, Negros Occidental nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, sinita nila ang dalawang magkaibigan na nakitang gumagala sa Barangay Rizal ng hapon. Ayon kay Police Maj. Rollie Pondevilla ng Silay City Police, nakipagbuno ang mga lalaki ng inaresto sila nang wala silang naipakitang quarantine pass.

Nakuhanan umano ang mga lalaki ng 6 na malalaking sachet ng hinihinalang shabu. Tinatayang 30 grams ang bigat ng kontrabando na nagkakahalaga ng P450,000 pesos, ayon sa mga awtoridad.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sila sa isang drug-group.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.