ALAMIN: Pananagutan ng lalaki sa viral Marcos Highway 'hit-and-run'

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2019 12:42 PM | Updated as of Apr 03 2019 01:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Noong nakaraang linggo ay nag-viral ang pagsalpok ng isang kotse sa isang motorsiklo sa Pasig, kung saan isa ang namatay habang isa rin ang nasugatan. 

Hindi tumigil ang drayber ng kotse at tinakbuhan ang mga nabangga. 

Ayon kay Atty. Claire Castro, reckless imprudence resulting in homicide ang maaaring ikaso sa suspek. 

"Pag sinabi mo na reckless imprudence, ito iyung naging pabaya ka. Mayroon kang obligasyong dapat mong gawin, pero hindi ka naging maingat na nagresulta sa damage," ani Castro sa "Usapang de Campanilla" noong Martes. 

Marso 26 nang makuhanan ng dashcam video ang pagbaybay nina Mark Joseph Belen at Rossana Ugto sa Marcos Highway nang biglang sumulpot ang kotse ng suspek na si Adrian Russel King Carlos at binangga sila. 

Pero sabi ni Castro, maaari lamang itaas sa kasong murder ang reklamo laban kay Carlos kung mapapatunayang may alitang nangyari at napagplanuhan niya ang pagbangga kina Belen at Ugto. 

Sumuko sa pulisya noong Sabado si Carlos pero pansamantala ring nakalaya noong Lunes. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.