Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy na sumiklab sa isang hotel and resort sa Barangay Corocor, Bacarra, Ilocos Norte nitong Sabado.
Bandang alas-3:30 ng madaling araw nang magsimula ang sunog.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Bacarra, 15 guest rooms, opisina at residential house ng hotel and resort ang nasunog.
Dagdag BFP Bacarra, nailikas ang guests bago pa lumaki ang apoy na umabot ng dalawang oras bago naapula.
Mahigit isang milyon ang inisyal na naitalang napinsala ng sunog.
Dagdag ng BFP, fully booked na ang hotel and resort ngayong Semana Santa at problema ng may-ari ang mga contact numbers ng kanilang guests dahil kasama sa nasunog ang mga record nila.
- ulat ni Dianne Dy
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.