PatrolPH

Bagging operation sa barkong sanhi ng Mindoro oil spill sinimulan na

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2023 02:42 PM

Sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang bagging operation sa barkong nagdudulot ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro, Abril 2, 2023. Retrato mula sa Philippine Coast Guard
Sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang bagging operation sa barkong nagdudulot ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro, Abril 2, 2023. Retrato mula sa Philippine Coast Guard

Sinimulan ngayong Linggo ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bagging operation sa MT Princess Empress, ang barkong nagdulot ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Incident Command System Commander Commodore Geronimo Tuvilla, ginagamit sa proseso ang remotely operating vehicle (ROV) galing Japan para malagyan ng mga bag ang mga butas sa barko na pinagmumulan ng langis.

Ang mga specialized bags ang sasalo sa tumatagas na langis.

Dinala sa Oriental Mindoro ang mga specialized bag mula sa United Kingdom.

Sa Lunes, inaasahang may dadalhin pa umanong 16 na specialized bags mula sa isang planta sa Cavite.

Bukod sa bagging operation, isa pa sa mga tinitingnang paraan para matugunan ang oil spill ang patching o pagtatapal sa pinagmumulan ng leak at ang pagsipsip sa langis mula sa lumubog na barko, ayon kay Tuvilla.

Inalis na umano ng mga awtoridad ang option na pag-ahon sa barko dahil malaki ang posibilidad na mawasak ito dahil sa pressure at magdulot ng mas malawak na pinsala.

— Ulat ni Noel Alamar

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.