PatrolPH

Babae hinoldap, hinubaran, pinaso umano sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2023 03:13 PM | Updated as of Apr 02 2023 03:52 PM

Hinoldap, hinubaran at pinaso ng sigarilyo ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang babae sa Magsaysay, Davao del Sur, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Dumulog sa pulisya ang 25 anyos na biktima para isumbong ang nangyaring krimen sa kaniya malapit sa ilog sa Barangay Barayong noong Biyernes.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima para kumuha ng koleksiyon sa negosyong buy-and-sell rice nang bigla siyang lapitan ng 3 lalaki.

Bigla umanong hinablot ang kaniyang backpack na may lamang nasa P50,000. Hinubad din umano ng mga salarin ang pang-itaas na damit ng biktima at pinaso ng sigarilyo ang katawan.

Agad tumakas umano ang mga salarin habang humingi ng saklolo ang biktima sa mga residente sa lugar.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga salarin.

— Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.