3 mag-iina patay, 1 sugatan sa sunog sa isang residential area sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2022 06:02 PM

Tatlong mag-iina ang patay, samantalang isa pa ang sugatan sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Bagong Calzada, Tipas, Taguig City.

Kinilala ng BFP Taguig ang mga namatay na sina Ivy Bere, 33 taong gulang, Chris Vyngird Mata, 4 na taong gulang, at Christ Jhyvien Mata, 3 taong gulang.

Kinumpirma ng BFP Taguig na nagsimula ang sunog sa pangalawang palapag ng bahay ng naitalang sugatan na si Abdulah Delos Santos.

Tinatayang P350,000 ang halaga ng pinsala, ayon sa BFP Taguig. Humigit kumulang 50 na bahay ang natupok sa sunog.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog.