TINGNAN: Sand art ni Hesus sa Iloilo paalala sa sakripisyo Niya ngayong Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2021 01:04 PM

Kuha ni Edwin Guiquin, Fredman Beach Resort

ILOILO CITY—Agaw-atensiyon ang imahe ni Hesu Kristo na gawa sa sand art ng mga tauhan ng Fredman Beach Resort sa Sto. Niño Norte, Arevalo sa lungsod na ito.

Gawa ang sand art ng nasa 7 katao para sa selebrasyon ng Semana Santa.

Ayon kay Edwin Guiquin, isa ito sa kanilang paraan ng pagninilay-nilay sa mga sakripisyo ni Hesu Kristo ngayong Semana Santa. 

Kuha ni Edwin Guiquin, Fredman Beach Resort

- Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.