TINGNAN: Kotse ng pulis sa CamSur nag-short circuit, nagliyab

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2021 04:22 PM

Agad naman sumaklolo ang Lagonoy Fire Station para maapula ang nasusunog na kotse. Retrato mula sa Presentacion Municipal Police Station


PRESENTACION, Camarines Sur — Nagliyab ang sasakyan ng isang pulis sa bayan na ito noong Miyerkoles habang binabaybay niya ang Presentacion-Caramoan Road sa Barangay Maangas.

Ayon kay Police Cpl. Jay-Ron Del Socorro, minamaneho niya ang sasakyan at pauwi na sana sa Bayan ng Bula matapos ang duty nang bigla na lang itong umusok.

Ilang sandali pa ay bigla na lang daw itong nagliyab.

Ligtas at hindi nasaktan sa insidente si Del Soccoro. Tinulungan din siya ng mga dumadaang motorista.

Agad naman sumaklolo ang Lagonoy Fire Station para maapula ang nasusunog na kotse.

Ayon sa imbestigasyon, posibleng nag-short circuit ang electrical wiring ng sasakyan kaya nasunog.

—Ulat ni Jonathan Magistrado
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.