PatrolPH

Record high 15,310 bagong kaso ng COVID-19 naitala ngayong Biyernes Santo

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2021 07:06 PM

MAYNILA — Naitala ngayong Biyernes Santo ang 15,310 bagong COVID-19 cases, ang pinakamataas na bilang na naiulat sa loob ng isang araw.

Paglilinaw ng Department of Health, 3,709 dito ay "backlogs" noong Marso 31 kung kailan nagkaroon umano ng technical issue ang kagawaran. 

Pero kahit tanggalin ang backlog, lumalabas na 11,601 ang bilang ng kasong naitala ngayong Biyernes, na record high pa rin. 

Sumatutal, 771,497 na ang kumpirmadong impeksyon ng COVID-19 sa Pilipinas, at 153,809 ay aktibong kaso. 

Record high din ang active cases ngayong Biyernes. 

Sabi ng DOH, 17 ang naitalang bagong pagkamatay kaya 13,320 na ang bilang ng mga nasawi sa sakit. 

Umabot naman sa 604,368 ang lahat ng mga gumaling matapos makarekober ang 434 pasyente.

Pitong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang ulat ngayong Biyernes. 

Kasalukuyang nakararanas ng pagsipa ng kaso ang Pilipinas. 

Nasa enhanced community quarantine din ang Metro Manila at ilang karatig-lalawigan para masawata ang pagkalat ng sakit. 

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.