PatrolPH

Ilang resort sa Davao City tinanggalan ng tubig, pansamantalang sinara sa Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2021 01:53 PM

Ilang resort sa Davao City tinanggalan ng tubig, pansamantalang sinara sa Semana Santa 1
Mga larawan mula sa Paquibato Police Station.

Tinanggalan ng tubig ang swimming pool sa 4 na resort sa Davao City para sa 4-day closure ng mga inland water at beach resort sa lungsod ngayong Semana Santa.

Ayon sa mga awtoridad, ito ay para maiwasan ang posibleng pagtitipon ngayong linggo sa gitna ng pandemya at maiwasan din ang pagkalunod na kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Pumayag naman ang management at resort owners sa ginawa ng mga pulis, ayon kay Police Major Marvin Hugos, hepe ng Paquibato Police.

Nag-inspeksyon ang mga awtoridad sa iba't ibang resort sa Marilog District para makita kung patuloy ang kanilang operasyon.

Aniya, iniiwasan din ng lokal na pamahalaan ang "second wave" ng COVID-19 cases sa lungsod.

Bumababa na ang bagong naitatalang kaso ng COVID-19 sa Davao City. Anila, tatlong bagong kaso lamang ang naitala sa lungsod nitong Miyerkoles. — May ulat nina Hernel Tocmo at Francis Magbanua

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.