Manager ng punerarya, tiklo sa pagbebenta ng overpriced na masks, sanitizers

Cheche Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2020 11:29 AM

Nahuli sa entrapment operation ang manager ng isang funeral homes sa Tagum City dahil sa overpriced na pagbebenta ng face masks at hand sanitizers. Larawan mula sa NBI-Tagum City

TAGUM CITY - Arestado ang manager ng funeral homes sa lungsod matapos maaktuhang nagbebenta ng sobrangy mahal na face masks at hand sanitizers sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

Narekober Miyerkoles ng umaga mula sa suspek ang 2,150 piraso ng disposable face masks at 100 gallons ng hand sanitizers.

"Ibenebenta ng suspek ang disposable face mask ng P110 bawat isa at P1,250 ang bawat gallon ng hand sanitizers. Na monitor siya ng ating intel, kaya ginawa natin ang entrapment operation," ayon kay NBI Assistant Regional Director Exzel Hernandez.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag ng Consumer Protection Act.